LOOK! De Lima Nakisawsaw, at Matapang na binanatan si Pres.Duterte "Duterte naduwag sa ICC probe kaya kumalas"

 

Para sa nakakulong na si Senadora Leila de Lima, kaduwagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapakalas nito sa Pilipinas mula sa International Criminal Court (ICC).

Ito lang ang konklusyon ng nakakulong na si De Lima sa pasya ng Pangulo na humiwalay na ang Pilipinas mula sa ICC. 

Ayon dito, walang kaibahan ang Pangulo sa taong pugante na tumatakas sa hustisya.

“What does that make of his guilt? His futile act of withdrawing the Philippines from the Rome Treaty is the equivalence of a guilty man fleeing from justice. President Duterte is already behaving like a fugitive from justice,” ani De Lima. 

Malayong-malayo raw sa deklarasyon ng Pangulo noong kampanya na handa itong managot, makulong at mamatay kung ito ang magiging sukli ng kaniyang paglaban sa pagkalat ng ilegal na droga.

Sinabi ni De Lima na hindi na matatakasan ng Pangulo ang imbestigasyon ng ICC kahit kumalas dito ang Pilipinas. 

Tinukoy ang nakasaad sa Rome Statute na lumikha sa ICC na itutuloy ang aksiyon nito sa isang kaso kahit kumalas ang bansa ng taong ipinagharap dito ng reklamo.

Bukod dito, wala umanong bisa ang abiso na kakalas na ang Pilipinas dahil walang basbas ng Senado. 

Ayon kay De Lima, kailangang sang-ayon ang Senado dahil kasama itong nagratipika ng Rome Statute.


Source:abante
{SOURCE}

2 Comments

  1. How Delima kahitalam mo kung bakit hindi pwedeng makialam ang mga nations sa sovereignty ng isang bansa pinipilit pa rin ninyo iuugnay ang mga tagaICC na wala na ngang talagang jurisdiction sa Phils. dahil kumalas na ito at mahigit ilang taon na ang nakaraan.Palibhasa siya ay isang politcal image a senator inside the prison why she's still running as senator when she's a criminal is this provision found in the Constitution that a criminal could still hold office despite of her critical condition????

    ReplyDelete
  2. Bakit pumunta Yung ICC sa Pinas basta na lang ba huhulihin Ang Pangulo..?!hind MUNA SILa magtanong Kung paano Yung war on drugs..Kung paano namatay Yung mga KRIMINAL..?Kung totoong MAKADYOS SILA MAIINTINDIHAN NILA..PERO KUNG MAKADEMONYO SILA AT HUHULIHIN ANG PANGULO..SILA ANG HUHULIHIN KASAma ANG mga nagsumbong sa Kanila na sina TRILILING..!YANG SI DELIMA DIN NAKAKULONG NA NGA TULOY TULOY PA PALA SA PAGKSENATOR NYA..BAKIT HINDI PA WALISIN YAN..SALOT YAN..!LAHAT NG DILAWAN MGA SALOT SILA..!TANDAAN..CPP NPA NDF ICC CHR.MALAKING ORGANISASYON YAN NA GUSTONG MAGHARI SA MUNDO..!HWAG TAYONG PAPAYAG NA TAYONG MAHIHIRAP ANG GAWIN NILANG ALIPIN AT SILA AY HUMAHALAKHAK SA SAYA GAYA NONG UNANG PANAHON NA SYANG DAHILAN ANG PAGHUKOM NG AMANG DYOS..KAKATAKOT..!PAGAARI NA NI SATANAS ANG MUNDO NASA ATIN NA KUNG PAALIPIN TAYO SA KANYA..!!PANALANGIN SA ATING MAYKAPAL LAMANG ANG MAKAPAGLILIGTAS SA ATIN..!PANALANGIN..🙏🙏🙏GOD BLESS and SAVE US ALL.!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Previous Post Next Post