Si Nuezca ay naka-destino sa Parañaque City Crime laboratory unit at nakatira sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui.
Sinita umano ng pulis ang mga biktima na kapitbahay nito sa pagpapaputok ng boga, ayon kay Lt. Col. Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui Police.
"Parang nainsulto siguro hanggang nagkasagutan ang anak niya at ang matandang biktima. Siguro nawindang ang isip niya, dun niya pinaputukan ang mga biktima," aniya.
Dati nang nagkagirian ang magkapitbahay dahil sa usapin ng right of way ngunit naayos na umano ito sa barangay, ani Rombaoa.
Iniulat ng Rosales Municipal Police sa Pangasinan na sumuko ang suspek sa kanila bandang alas-6:19 ng gabi.
Agad inilipat ang suspek sa Paniqui Municipal Police. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Nagpaalala si Rombaoa na dapat pinaiiral ng pulisya ang maximum tolerance.
"Sa mga kasamahan po natin sa pulisya dapat self-control kasi nga maximum tolerance tayo, tayo ang may armas. Kung merong umaagrabiyado sa atin merong right forum po riyan, puwede nating kasuhan, not to the point na gagamitin natin ang baril natin," aniya.
{SOURCE}
Mayabang matapang dahil maybaril at yung babae naman pa vedio vedio ka pa ayun masaya ka na dalawa ang buhay na nawala nang dahil sa iyo....mga walang puso kayong mag ama kayo.....
ReplyDeletePost a Comment