Loading...
Inilabas ng dating aktres na si Francine Prieto ang kanyang pagka Anti-Duterte matapos niyang pinuna ang Pangulo sa Twitter. Isang araw bago nakatakdang mag talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), gumawa si Prieto ng isang cryptic tweet kung bakit hindi kumikilos ang mga Pilipino sa kabila ng mga masasamang bagay na ginagawa sa kanila.
“Sa totoo lang, ang bait nating mga Pilipino. Tinatar*ndo na tayo, ginag*go na tayo, umaalma lang tayo. Grabe tayo magtiis. Ninanakawan na tayo, pero pinipilit pa rin nating intindihin sila. Kung iba yan, sinunog na mga bldgs, properties ng taga-gobyerno o pinatay na sila,” ayon kay Prieto.
Nang may nagreply sa kanya na dapat nilang iwasto ang mga bagay ngayong 2022, sinagot ng aktres na nais niya na mag-resign ang Pangulo, at minaliit ang mga kakayahan ni PDuterte na mamuno sa isang national scale.
“Sana magresign na siya ngayong 2020. Hanggang pang-mayor lang siya, hindi kaya maging presidente. Isama na rin yung mga nakapaligid sa kanya,” pahayag ng aktres.
Loading...
Hindi ito ang unang pagkakataon na hiniling ni Prieto kay Pangulong Duterte na mag-resign. Noong Mayo, sinabi ng dating aktres na mas mabuti para sa punong ehekutibo na magbitiw at hayaan na lamang na hawakan ni Bise Presidente Leni Robredo ang kasalukuyang problema ng bansa.
“Hindi kaya ni Presidente Duterte mamuno sa atin, sana nagresign nalang siya. O kung ayaw magresign sana ipinasa nalang niya kay VP Leni etong C0VID 19 issue kahit nung April, mas may plano at marami pang nagawa ang OVP,” pahayag ni Prieto.
Loading...
{SOURCE}
© Pinoy News Center
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinoynewscenter.blogspot.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
Post a Comment