Naniniwala ang isang political analyst na maaring ‘scripted’ lamang ang mga ginagawang banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa presidential aspirant na si dating senador Bongbong Marcos.
“Kasi six months ago, meron nang nagbubulong-bulong sa akin na ang lalabas ay talagang BBM-Sara. In fact, I remember in a program, I think it was in another channel, I was asked. At that time, naririnig-rinig ko na and I summoned my gut feel and sabi ko, ‘Malamang Bongbong-Sara yan,” sabi ni Contreras.
Sa programang ‘The Chiefs’ ibinahagi ni Dela Salle University political science professor Antonio Contreras ang kanyang nakikita sa away ngayon sa pagitan ng Pangulo at ng kampo ni Marcos.
““And I think because those talks are coming out then, maybe, I’m going to sort of… look at it at a different narrative that maybe this is part of an entire script,” dagdag niya pa.
Naniniwala si Contreras na ang ginagawang ito ni Pangulong Duterte ay para protektahan talaga si Marcos at ang kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
“When you slime a candidate early in the campaign and it doesn’t speak, that issue is gone. Pag siniraan mo ng maaga ‘yung tao, wala na.” ani Contreras.
“Ano bang unang binanat ni Presidente kay Bongbong? Komunista siya. Eh ang layo naman, Diyos ko. Sabi ko nga kung komunista si [BBM] may buhok na ako. Ang layo-layo. With that, pine-preempt mo na yung truth na yung mga susunod mong sasabihin hindi na puwedeng paniwalaan ng tao kasi nagsinungaling ka na sa una,” dagdag pa nito.
Isa rin daw sa mga posibleng script ay ang pag aaway ni Pangulong Duterte at Inday Sara para makita ng tao na magkaiba ng paniniwala ang mag ama.
Imposible rin daw na kalabanin ng isang Pangulo ang posible na sumunod sa kanyang yapak katulad ni Pangulong Duterte na may kinakaharap na kaso sa ICC.
Matatandaan na naging maanghang ang mga naging batikos ni Pangulong Duterte laban kay Marcos.
Ilan sa mga tirada niya ay ang pagtawag niya kay Marcos na “weak leader”.
{SOURCE}
Post a Comment