LOOK! Francine Prieto, Pinapa resign ang Pangulo: "“Sana magresign na siya. Hanggang pang-mayor lang siya”

Inilabas ng dating aktres na si Francine Prieto ang kanyang pagka Anti-Duterte matapos niyang pinuna ang Pangulo sa Twitter. Isang araw bago nakatakdang mag talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), gumawa si Prieto ng isang cryptic tweet kung bakit hindi kumikilos ang mga Pilipino sa kabila ng mga masasamang bagay na ginagawa sa kanila. 

“Sa totoo lang, ang bait nating mga Pilipino. Tinatar*ndo na tayo, ginag*go na tayo, umaalma lang tayo. Grabe tayo magtiis. Ninanakawan na tayo, pero pinipilit pa rin nating intindihin sila. Kung iba yan, sinunog na mga bldgs, properties ng taga-gobyerno o pinatay na sila,” ayon kay Prieto.

Nang may nagreply sa kanya na dapat nilang iwasto ang mga bagay ngayong 2022, sinagot ng aktres na nais niya na mag-resign ang Pangulo, at minaliit ang mga kakayahan ni PDuterte na mamuno sa isang national scale. 

“Sana magresign na siya ngayong 2020. Hanggang pang-mayor lang siya, hindi kaya maging presidente. Isama na rin yung mga nakapaligid sa kanya,” pahayag ng aktres.
Isang araw matapos niyang gawin ang kanyang mga tweet, ipinahayag niya na hindi siya nasiyahan sa mga paksang tinalakay ni PDuterte sa kanyang SONA.

Sa isa pang tweet, sinabi ni Prieto na ang mga militar ay hindi kailangan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa. Ayon pa sa kanya, ang krisis ay dapat hawakan ng mga eksperto at hindi mga tao mula sa militar. 

“Yes we deserve better. Unahing palitan ng totoong experts. No offense to the military men pero hindi sila yung kailangan,” aniya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na hiniling ni Prieto kay Pangulong Duterte na mag-resign. Noong Mayo, sinabi ng dating aktres na mas mabuti para sa punong ehekutibo na magbitiw at hayaan na lamang na hawakan ni Bise Presidente Leni Robredo ang kasalukuyang problema ng bansa.
“Hindi kaya ni Presidente Duterte mamuno sa atin, sana nagresign nalang siya. O kung ayaw magresign sana ipinasa nalang niya kay VP Leni etong C0VID 19 issue kahit nung April, mas may plano at marami pang nagawa ang OVP,” pahayag ni Prieto.
{SOURCE}

Post a Comment

Previous Post Next Post