PANOORIN! Netizen sinabing si Mar Roxas Daw Ang Sinayang Niyo Sa Politika, "The best President We Never Had!"

 
Kamakailan lamang ay kinumpirma ng batikang mamamahayag na si Korina Sanchez na magreretiro na nga ang kaniyang asawa na si Mar Roxas sa pagiging isang politiko. Ito ay matapos niyang matalo ng tatlong beses sa national election.

Una ay noong tumakbo siya sa pagka-bise president taong 2010 ngunit natalo siya ni Makati City Mayor Jejomar Binay. Noong 2016 naman ay tumakbo si Mar sa pagka-President ngunit tinalo naman siya ni Davao City Mayor at nanunungkulan ngayong Pangulo na si Rodrigo Duterte. Nitong 2019 election naman ay muling tumakbo si Mar na Senador ngunit siya ay hindi pinalad na manalo.

Matapos ang kumpirmasyon sa pagreretiro ni Roxas, marami naman sa kaniyang mga taga-suporta nagsabi na sinayang daw umano ng mga tao ang isang magaling na leader.

Gayunpaman, marami naman sa mga netizens ang umalma sa pahayag na ito ng mga supporters ni Roxas at sinabing kailanman ay hindi sila manghihinayang na hindi ito naging leader ng bansa. 

Naniniwala din ang ibang netizens na marahil nagdesisyon na lamang si Roxas na magretiro dahil alam na din niyang wala na siyang pag-asa pang manalo sa mga posisyon na nais niyang takbuhan. Kahit pa nga daw siguro tumakbo ito bilang opisyal sa barangay ay hindi pa din ito mananalo.

Samantala, hinikayat naman ng ilang netizens ang iba pa na huwag maniwala sa mga pahayag na ito ng kampo ni Roxas dahil saad nila ay baka ito ay drama at taktika lamang nila ito para makakuha ng simpatya sa maraming tao. 

Marami naman sa mga netizens ang hindi naniniwala na magreretiro na nga ng tuluyan si Roxas. Ani pa ng iba na baka sa 2025 election ay muli itong tumakbo dahil hindi na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nakaupo sa pwesto. Saad ng iba ay maganda daw na sabihin na nagpapahinga lamang si Roxas at hindi tuluyang magreretiro sa pagiging politiko.

{SOURCE}

4 Comments

  1. SAYANG nga na hindi ka pa tuluyang nagretiro dahil wala ka namang silbi sa bayan at sa mga donasyong tinanggap ninyo para sa mga biktima ng YOLANDA superstorm at sentimo walang account ang gov't kung nasaan ang pera at mga goods ay hinayaang mangabulok upang hindi na mapakinabangan..INUTIL at MAGNANAKAW !!!

    ReplyDelete
  2. Wag kame Marbobo iba na lang! Labas mo muna ang donasyon ng Yolanda! Naubos nyo na ba?? Wag ka ng mangarap ng gising di na kami maniniwala sayo!

    ReplyDelete

Post a Comment

Previous Post Next Post