BREAKING! Mahigit 1000 miyembro ng NPA sabay-sabay sumuko sa pamahalaan at Sinunog ang Bandela CPP-NPA

Umabot sa 250 lider at 1,500 miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) ang kumalas ng kanilang suporta sa Communist Terrorist Groups (CTGs) at nanumpang muling susuporta sa pamahalaan sa ginawang Peace Rally sa covered court ng Don Restituto Baol Central Elementary School, Gingoog City, Misamis Oriental kamakalawa.

Ang nasabing aktibidad ay naging matagumpay dahil sa joint efforts ng Local Government Unit (LGU) ng Gingoog City, Gingoog City Police Station (CPS), City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), at Army’s 58th Infantry “Dimalulupig” Battalion sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Ricky L Canatoy.

Ang dating mga mass supporters ng makakaliwang kilusan na pagod at napuno sa mga panlilinlang at kasinungalingan ng mga NPA ay mula sa iba’t-ibang apektadong komunidad ng Gingoog City, gaya ng Brgy. Lunao, Santiago, Agay-ayan, Brgy. 29, Brgy. 24, Brgy 26, Kipuntos, San Luis, San Juan, Punong, at Binakalan.

Ang highlight ng aktibidad ay ang pagsunog ng bandela ng CPP-NPA na nagpapahiwatig sa kanilang tuluyang pagtalikod ng suporta.

Nangako rin sila na susupotra muli sa pamahalaan, katibayan nito ang paglagay ng kanilang pirma sa manifesto.

“Kami po ay nagpapasalamat sa Community Support Program (CSP) teams ng 58IB at ng LGU Gingoog City sa kanilang pagsisikap na abutin kami at ipinamukha sa amin ang kasinungalingan at panloloko na ginawa ng mga NPA sa amin,” pahayag ni Leopoldo Regis, isang dating mass base organizer ng kilusan. (Louie B. Oranda) 

Source: bagongsagadsabalitangayon.com.ph
{SOURCE}

Post a Comment

Previous Post Next Post